Ang body pain ay isang hindi kasiya-siyang sensation sa katawan na nati-trigger ng nervous system. Ang pagsisimula ng sakit sa katawan ay maaaring mangyari ng biglaan o dahan-dahan, depende sa ilang kadahilanan, tulad ng environmental, biological, emotional, at cognitive factors
Mayroong dalawang halimbawa ang body pain: ang acute pain at chronic pain.
- Acute body pain - ang sakit na ito ay nagreresulta sa isang karamdaman o pangyayari, tulad ng pinsala o operasyon. Karaniwan itong nangyayari ng biglaan, pagkatapos ay unti-unting nawawala nang mag-isa o sa tulong ng medical treatment. Acute pain can range from mild to severe. Maaari rin itong tumagal ng ilang linggo o buwan. Kung magagamot ng maayos, ang matinding sakit sa katawan ay mawawala sa loob ng anim na buwan. Kung hindi naman ginagamot, ang acute pain ay maaaring humantong sa chronic pain.
- Chronic body pain - ito ang sakit na nagpapatuloy sa paglipas ng panahon at maaaring walang maliwanag na dahilan, kahit na gumaling na ang isang injury o nawala na ang isang sakit. Ang chronic pain ay maaaring magpatuloy ng ilang buwan o kahit na taon. Ang pagkakaroon ng nito ay nakakapanghina sa pasyente, na madalas na nagreresulta sa loss of sleep at kawalan ng kakayahang mag-function ng normal.
Tips and Medicine for Pain Reliever
- Subukan ang “cold” at “heat” methods.
Subok na ang mga paraan na ito sa pag-relieve ng sakit dulot ng ilang uri ng injuries. Kung hindi gumana ang homemade hot or cold pack na iyong hinanda, magtanong sa isang physical therapist or chiropractor ng kanilang version sa treatments na ito, na maaaring mag-penetrate ng mas malalim sa muscle at tissue.
- Mag-ehersisyo.
Ang mga pisikal na aktibidad ay may mahalagang papel sa pag-interrupt sa "vicious cycle" ng sakit at reduced mobility na matatagpuan sa ilang chronic conditions kondisyon tulad ng arthritis and fibromyalgia. Subukan ang gentle aerobic activities gaya ng paglalakad, paglangoy, o pagbibisikleta.
- Gawin ang mind-body techniques.
Ang body pain remedy or technique na ito, na kinabibilangan ng meditation, mindfulness, at breathing exercises, ay makakatulong na i-restore ang iyong sense of control sa iyong katawan. Kaya rin nitong i-turn down ang “fight or flight” response na nakakasama sa chronic muscle tension at pain.
- Mag-yoga at tai chi.
Ang dalawang exercise practices na ito ay hihikayatin ka na kontrolin ang iyong paghinga, mag-meditate, at kumilos ng mabagal upang mabatak at palakasin ang iyong mga muscles. Maraming nang mga pag-aaral ang nagpakita na nakakatulong ang yoga at tai chi pagdating sa pag-manage ng sakit na dulot ng maraming kondisyon, mula sa pananakit ng ulo hanggang sa arthritis at matagal nang mga injuries.
- Have a therapeutic massage.
Ang pagpapamasahe ay hindi lamang maituturing na isang indulgence, ito rin ay malaking tulong sa pag papawala ng sakit sa katawan sa pamamagitan ng pag-work out sa tension ng muscles at joints at pag-relieve ng stress at anxiety. Maaari ka rin nito tulungan na ma-distract mula sa sakit sa pamamagitan ng pag-introduce ng isang “competing” sensation na nago-override sa pain signals.
- Mag-take ng medicine for body pain.
Ang body pain medicines tulad ng Ritemed Mefenamic, na tinatawag ring “analgesics” at “painkillers,” ay regulated ng Food and Drug Administration (FDA). Ang ilang analgesics, kabilang na ang opioid analgesics, ay kumikilos sa peripheral at central nervous system ng ating katawan upang harangan o bawasan ang pagkasensitibo natin sa sa sakit. Ang iba namang pain reliever medicines ay kumikilos sa pamamagitan ng pagpigil sa pagbuo ng ilang mga kemikal sa katawan.
Sources:
https://www.health.harvard.edu/pain/8-non-invasive-pain-relief-techniques-that-really-work
https://www.webmd.com/pain-management/guide/pain-relievers
https://www.medicalnewstoday.com/articles/319985#signs-and-symptoms-of-body-aches
ASC Reference No. R0114N070623R