Maraming maling impormasyon ang kumakalat ngayon tungkol sa COVID-19 virus, ang sakit na kumitil sa milyon-milyong buhay sa buong mundo at kasalukuyang nagpapahirap sa marami sa atin. Dahil dito, importante na malaman natin ang katotohanan sa likod ng mga COVID myths na patuloy na nagkakalat.
Alamin natin sa pamamagitan ng article na ito kung bakit hindi totoo ang sumusunod na mga haka-haka tungkol sa COVID-19 virus.
Myth #1: Ang pag-spray ng chlorine sa balat ay pumapatay sa virus sa katawan.
Ang paggamit ng chlorine sa balat ay maaaring maging sanhi ng pinsala, lalo na kung pumapasok ito sa mata o bibig. Ang mga kemikal na ito ay maaaring mag-disinfect ng surfaces, ngunit hindi dapat natin ito gamitin sa ating katawan.
Myth #2: Older adults at mga taong may pre-existing conditions lang ang nanganganib sa virus.
Ang COVID-19 virus, tulad ng iba pang mga coronavirus, ay maaaring ma-transmit sa kahit na kanino – bata man o matanda; may sakit man o wala. Gayunpaman, ang older adults at mga indibidwal na may mga pre-existing health conditions, tulad ng obesity, asthma, at diabetes, ay malaki ang tsansa na lumala ang kasalukuyang sakit.
Myth #3: Ang COVID-19 ay maaaring mailipat sa pamamagitan ng kagat ng lamok.
Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/little-girl-has-allergies-mosquitoes-bite-1105211207
Walang katibayan na ang COVID virus ay maaaring mailipat sa pamamagitan ng mga lamok. Sa halip, ayon sa mga pag-aaral, ang virus ay maaaring kumakalat sa pamamagitan ng mga droplets mula sa pag-ubo, pagbahing, o laway ng pasyente.
Myth #4: Pwede mong makuha ang virus sa swimming pool.
Walang katibayan na nagpapakita na ang COVID-19 virus ay nata-transmit sa pamamagitan ng tubig sa mga swimming pool, hot tub, o water park. Kung ang tubig na ito ay na-disinfect ng chlorine o bromine, na-iinactivate nito ang virus.
Myth #5: Kayang patayin ng hand dryer ang virus.
Hindi kayang patayin ng kahit anong uri ng hand dryers ang COVID-19 virus. Sa halip, isa sa pinakamabisang COVID-19 prevention steps ay ang madalas na paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig ng hindi bababa sa 20 segundo kada paghugas. Kung hindi ito posible, gumamit ng alcohol-based hand sanitizer.
Myth #6: Ang pag-inom ng alak ay maaaring makatulong na maiwasan ang COVID-19.
Ang pag-inom ng alak, tulad ng beer, liquor, at wine ay hindi nakakatulong na maiwasan ang coronavirus. Sa halip, ang dapat mong gawin ay dalasan ang paghuhugas ng mga kamay, magsuot ng mask, at i-practice ang social distancing.
Myth #7: Ang virus ay nata-transmit lang sa malalamig na klima.
Ang virus ay maaaring mailipat sa anumang uri ng klima – mainit man ito, malamig, o mahalumigmig. Dahil dito, kahit nasaan ka, anumang uri ng klima ang mayroon sa inyong lugar, kailangan mong mag-practice ng personal hygiene tulad ng madalas na paghuhugas ng kamay, pagtakip ng bibig tuwing umuubo at bumabahing, at pagsuot ng masks.
COVID-19 Philippines: Bakit mahalagang malaman ang totoo tungkol sa virus?
Tayong mga Pilipino ay madalas maniwala sa mga haka-haka at pamahiin. Parte na ito ng ating kultura at tradisyon. Ngunit sa kritikal na kondisyon ng ating panahon ngayon dulot ng COVID-19 pandemic, knowing the facts about the virus, how it spreads, and prevention of COVID-19 are crucial. Makakatulong ito sa atin as we protect ourselves, family, and the community.
Sources:
https://www.medicalnewstoday.com/articles/coronavirus-myths-explored