Anu-ano ang mga Sakit sa Prostate? | RiteMED

Anu-ano ang mga Sakit sa Prostate?

July 21, 2021

Anu-ano ang mga Sakit sa Prostate?

Ang prostate gland ay isang male reproductive organ na kasing laki ng isang walnut. Ito ay matatagpuan sa base ng bladder o pantog ng isang lalaki.

 

Ang prostate ay sumasailalim sa dalawang main growth spurts. Ang una ay dulot ng sex hormones during puberty. Inuudyukan nito ang prostate gland na maabot ang average weight na 20 grams during adulthood. Samantala, ang second growth spurt ng prostate gland ay nagsisimula kapag tumuntong na sa edad na 30 years old ang isang lalaki. Patuloy itong lumalaki kasabay ng pagtanda ng isang lalaki. Tinatayang bumibigat ito ng hanggang 40 grams sa mga kalalakihan na nasa edad 70.

 

Sa tulong ng article na ito, i-assess natin ang iyong risk for trouble with your prostate. Alamin din natin ang mga dapat gawin upang maiwasan ang problema sa napaka importanteng organ na ito.

 

Iba’t Ibang Sakit sa Prostate at mga Sintomas Nito

 

Prostate Cancer

 

Ang prostate cancer ay isang sakit kung saan ang cells sa prostate gland ay di mapigilang lumaki ng lumaki. Bukod sa skin cancer, ito ang pinaka karaniwang cancer sa mga kalalakihan. Ayon sa datos, isa sa anim na kalalakihan ang nagkakaroon ng prostate cancer.

 

Ilang prostate cancer symptoms:

 

  • Madalas na pag-ihi, lalo na sa gabi
  • Decreased force sa stream ng ihi
  • Bone pain
  • Dugo sa ihi o sa semen
  • Erectile dysfunction

 

Benign Prostatic Hyperplasia (BPH) o Enlarged Prostate

 

Ang BPH, na kilala rin sa tawag na prostate enlargement, ay ang paglaki ng prostate gland sa isang unhealthy size. Bagaman hindi ito humahantong sa prostate cancer, kalahati ng populasyon ng mga kalalakihan ang may mga sintomas ng BPH na nangangailangan ng paggamot.

 

Sintomas ng BPH:

 

  • Pakiramdam na marami pang laman ang iyong pantog, kahit na kakatapos mo lang umihi
  • Nararamdaman na ang pag-ihi ay “hindi makapaghintay”
  • Mahinang pagdaloy ng ihi
  • Nagkakaproblema sa pagsisimula ng pag-ihi

 

Prostatitis

Unlike most prostate problems, ang prostatitis o pamamaga ng prostate ay madalas na nararanasan ng mga young at middle-aged na lalaki. Ayon sa datos, 5% hanggang 10% lamang ng mga kalalakihan ang nagkakaroon ng prostatitis sa kanilang buhay.

 

Sintomas ng Prostatitis:

 

  • Pain o burning sensation kapag umiihi (dysuria)
  • Hirap sa pag-ihi
  • Madalas na pag-ihi, lalo na sa gabi (nocturia)
  • Urgent need para umihi
  • Cloudy urine
  • Dugo sa ihi
  • Sakit sa tiyan, singit o ibabang likod
  • Sakit sa lugar sa pagitan ng scrotum at tumbong (perineum)
  • Pain o discomfort ng ari
  • Painful ejaculation

 

Mga Gamot at Lunas sa Prostate Problems

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/laptop-picture-urogenital-system-blurred-people-1113566147

 

Ang prostate problems ay maaaring malunasan sa pamamagitan ng gamot, therapy, o surgery. Para malaman ang wastong lunas, kailangang isaalang-alang ang mga sumusunod:

 

  • Edad
  • Laki ng prostate
  • Pangkalahatang kalusugan
  • Antas ng pagkabalisa sa pag-ihi

 

Kung ang prostate symptoms ay hindi naman gaanong nakakasagabal, maaaring ipagpaliban ang pagpapagamot o operasyon. Gayunpaman, mahalaga ang regular na check-up upang masubaybayan ang paglaki ng prostate gland.

 

Ito naman ang mga gamot na maaaring makabawas sa mga sintomas ng prostate problems:

 

  1. 5-alpha reductase inhibitors tulad ng dutasteride at finasteride. Pinipigil naman ng mga gamot na ito ang pagdami ng dihydrotestosterone (DHT) na pwedeng maipon sa prostate at ikalaki nito.

 

  1. Alpha blockers tulad ng RiteMED Terazosin, tamsulosin, at doxazosin. Nakakatulong ang mga gamot na ito na ma-relax ang pantog at prostate upang bumuti ang paglabas ng ihi.

 

Tandaan: Maaaring pagsabayin ang pag-inom sa mga gamot na nabanggit. Ngunit bago ito gawin, kumonsulta muna sa doktor.

 

How to Prevent Prostate Problems

 

In some ways, ang prostate problems ay natural na bahagi na ng pagtanda ng isang lalaki. Gayunpaman, may mga tiyak na hakbang na maaaring gawin upang mapanatiling malusog ang iyong prostate.

 

 

 

  1. Mag-ehersisyo.

Ang pagiging overweight o obese ay pinaniniwalaang may malaking kaugnayan sa increased risk ng aggressive prostate cancer. Dahil dito, inirerekomenda ang regular exercise dahil nakakatulong ito na mapanatili ang iyong healthy weight. Subukan din ang madalas na paglalakad, pagtakbo, pagbibisikleta, at paglangoy.

 

  1. Kahiligan ang prutas at gulay.

Ang mga nutrients at vitamins na nasa prutas ay maaaring magpababa ng chances ng pagkakaroon ng problema sa prostate. Ang green vegetables ay mayroong compounds na nakakatulong sa katawan na i-break down ang cancer-causing substances tulad ng carcinogens. Ang isang nutrient-rich diet ay maaari ding makatulong na pabagalin ang paglaganap ng cancer.

 

  1. Tumigil sa paninigarilyo.

Ang prostate cancer patients na naninigarilyo ay malaki ang posibilidad na tamaan ulit ng sakit na ito. Ang mga naninigarilyo ay mayroon ding mas mataas na peligro na mamatay sa prostate cancer. Kung ihahambing sa kasalukuyang mga naninigarilyo, ang mga lalaking may prostate cancer na huminto sa paninigarilyo ng higit sa 10 taon ay may parehong mortality risk kumpara sa mga hindi naninigarilyo.

 

Sources:

https://www.webmd.com/men/guide/prostate-problems

https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/conditionsandtreatments/prostate-gland-and-urinary-problems

https://www.nia.nih.gov/health/prostate-problems



What do you think of this article?