Ano ang Sanhi ng Sore Throat? | RiteMED

Ano ang Sanhi ng Sore Throat?

September 9, 2021

Ano ang Sanhi ng Sore Throat?

What is a Sore Throat?

 

Ang sore throat ay sakit, gasgas, o pangangati ng lalamunan na madalas na lumalala kapag lumulunok. Ang pinaka karaniwang sanhi ng sore throat (pharyngitis) ay isang viral infection, tulad ng sipon o trangkaso. Ang isang sore throat na sanhi ng isang virus ay gumagaling na lang ng kusa.

 

Ang strep throat (streptococcal infection), isang "less common type" na sanhi ng bacteria, ay ginagamot sa tulong ng antibiotics upang maiwasan ang mga komplikasyon. Sa kabilang banda, ang iba pang hindi gaanong karaniwang mga sanhi ng sore throat ay maaaring mangailangan ng mas komplikadong paggamot.

 

Mga Sanhi ng Sore Throat

Narito ang mga pinaka karaniwang sanhi ng pamamaga ng lalamunan:

 

  1. Sipon, trangkaso, at iba pang viral infection
  2. Strep throat at iba pang bacterial infection
  3. Allergies
  4. Dry air smoke
  5. Usok, kemikal, at iba pang mga "irritants"
  6. Injury
  7. Gastroesophageal reflux disease (GERD)
  8. Tumor

 

Sore Throat Symptoms

 

Ang mga sintomas ng sore throat ay maaaring magkakaiba depende sa sanhi. Ang mga palatandaan at sintomas ay maaaring may kasamang:

 

  • Sakit o "scratchy sensation" sa lalamunan
  • Sakit na lumalala sa paglunok o pagsasalita
  • Hirap sa paglunok
  • Masakit, namamaga na mga glandula sa iyong leeg o panga
  • Namamaga at namumulang tonsil
  • Mga puting patch o nana sa iyong mga tonsil
  • Isang namamaos na boses

 

Ang mga impeksyon na nagsasanhi ng sore throat ay maaari ring mag resulta sa ibang sintomas, tulad ng:

 

  • Lagnat
  • Ubo
  • Sipon
  • Pagbahing
  • Pananakit ng Katawan
  • Sakit ng ulo
  • Pagduduwal o pagsusuka

 

Sore Throat Remedy

 

Kayang masolusyunan sa bahay ang ilang uri ng sore throat. Kailangan mo lang magpahinga ng maayos upang mabigyan ng pagkakataon ang iyong immune system na labanan ang impeksyon. Gawin rin ang sumusunod upang mapabilis ang paggaling ng nararamdaman:

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/woman-had-headache-chest-tightness-while-1511070515 

 

  • Magmumog ng maligamgam na tubig na may halong ¼ to ½  kutsaritang asin.
  • Uminom ng mainit na likido na "soothing" sa lalamunan, tulad ng mainit na tsaa na may honey, soup broth, o maligamgam na tubig na may lemon.
  • Palamigin ang iyong lalamunan sa pamamagitan ng pagkain ng cold treats tulad ng ice cream o  popsicle.
  • Kung mayroon kayong cool mist humidifier, buksan ito para madagdagan ng moisture ang hangin.
  • Ipahinga ang iyong boses hanggang sa guminhawa ang iyong lalamunan.
  • Mag-take ng sore throat medicines tulad ng RM Hexetidine. Ang mga over-the-counter pain relievers, sprays, at lozenges ay nakakatulong na mawala ang sakit ng namamagang lalamunan.

 

The Bottom Line

Ang sore throat na sanhi ng viral infection ay madalas na gumagaling kahit hindi gamutin makalipas ang dalawa hanggang pitong araw.  Subalit mayroong ibang sanhi ng sore throat na kailangang agad-agad na gamutin.

 

Dahil dito, kapag nakaramdam ka ng malubhang sintomas, tulad ng nakalista sa ibaba, kumonsulta na agad sa isang doktor:

 

  • Matinding sakit sa lalamunan
  • Problema sa paglunok
  • Problema sa paghinga, o sakit kapag huminga ka
  • Nahihirapang buksan ang iyong bibig
  • Namamagang mga kasukasuan
  • Lagnat na mas mataas sa 101 degree Fahrenheit (38 degrees Celsius)
  • Masakit o naninigas na leeg
  • Sakit ng tainga
  • Dugo sa iyong laway o plema
  • Namamagang lalamunan na tumatagal ng higit sa isang linggo

 

Sources:

https://www.healthline.com/health/sore-throat#_noHeaderPrefixedContent

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/sore-throat/diagnosis-treatment/drc-20351640

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/sore-throat/symptoms-causes/syc-20351635



What do you think of this article?