Ano ang hyperglycemia? | RiteMED

Ano ang hyperglycemia?

April 5, 2019

Ano ang hyperglycemia?

Ang hyperglycemia ay isang terminolohiya sa medisina na ibig sabihin ay mataas ang iyong glucose o sugar sa dugo. Ang high blood glucose ay nangyayari kapag  konti ang insulin sa katawan o kaya ay hindi kaya ng katawan maproseso ang insulin para ma-control ang sugar sa dugo.

Mga uri ng hyperglycemia:

  • Fasting Hyperglycemia

Ito ang uri ng hyperglycemia kung saan umaabot ng 130 milligrams per deciliter ang iyong bloodsugar pagkatapos ng hindi pagkain o pag-inom ng walong oras.

  • Postprandial o After-meal hyperglycemia

Ito naman ang uri ng hyperglycemia na tumataas hanggang 180 miligrams per deciliter ang iyong blood sugar makalipas ang dalawang oras ng iyong pagkain at pag-inom. Ang mga taong walang diabetes ay bihirang umabot ng 140 milligrams per deciliter pagkatapos kumain.

Ano ang nangyayari kapag napapadalas ang pagtaas ng iyong blood sugar?

Ang madalas o patuloy na pagtaas ng blood sugar ay maaaring magresulta sa pagkasira ng iyong nerves, blood vessels, at lamang-loob.

Posible rin itong mahantong sa mga malalang kondisyon katulad ng ketoacidosis (sa type 1 diabetes). Ang ketoacidosis ay ang pagdami ng tinatawag na “ketones” sa dugo at maaaring mag-resulta sa coma o pagkamatay.  Sa type 2 diabetes, mahihirapan ang iyong katawan na mag-proseso ng sugar na maaaring magdulot din ng pagkamatay.

Mga sanhi ng hyperglycemia:

  • Kapag nakalimutan at nalaktawan ang pagkonsumo ng insulin o gamot upang bumaba ang iyong glucose
  • Masyadong maraming carbohydrates sa dyeta
  • Kung ikaw ay nagkaroon ng impeksyon
  • Napasobra ang iyong stress
  • Kung hindi ka na nage-ehersisyo o kulang ang iyong pag-ehersisyo kaysa sa nakagisnan
  • Kung ikaw ay sumali sa nakakapagod na aktibidad habang mataas ang iyong blood sugar at mababa ang iyong insulin level

Ano ang hyperglycemia symptoms?

  • Pakiramdam na palaging uhaw
  • Sakit ng ulo

undefined

https://www.123rf.com/photo_48387435_asian-man-wearing-mouth-mask-against-air-pollution.html?downloaded=1

 

  • Nahihirapan mag-pokus
  • Lumalabo ang paningin
  • Pakiramdam na palaging pagod
  • Pagkabawas ng timbang nang hindi inaasahan
  • Inaabot ng 180 mg/dl ang blood sugar

Ang patuloy na pagtaas ng blood sugar ay nagdudulot ng :

  • Impeksyon sa ari ng babae
  • Impeksyon sa balat
  • Matagal na paghilom at paggaling ng sugat
  • Patuloy na paglabo ng paningin
  • Pinsala sa nerves na maaaring magdulot ng pananakit o pamamanhid ng paa, paglalagas ng buhok sa ulo at sa baba
  • Erectile dysfunction
  • Problema sa bituka o tiyan gaya ng chronic constipation o diarrhea
  • Pagkasira ng iyong mata, blood vessels, bato o kidney

Mga posibleng treatment sa hyperglycemia:

Kung mayroon kang diabetes at napansin o nararamdaman mo ang ilan sa mga nabanggit na sintomas, importanteng kumonsulta na agad sa iyong doktor.

Maaari niyang irekomenda o ireseta ang mga sumusunod:

  • Pag-inom nang maraming tubig upang maiwasan ang dehydration
  • Pag-ehersisyo nang regular (ipa-check sa doktor kung walang ketones sa iyong ihi)
  • Pag-improve ng iyong diet
  • Pag-konsumo ng oral glucose lowering medicine katulad ng Ritemed Glimepiride

 

 

References:

https://www.medicalnewstoday.com/articles/323699.php

https://www.webmd.com/diabetes/guide/diabetes-hyperglycemia#1

http://www.diabetes.org/living-with-diabetes/treatment-and-care/blood-glucose-control/hyperglycemia.html

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/diabetic-ketoacidosis/symptoms-causes/syc-20371551

https://www.webmd.com/diabetes/qa/what-is-ketoacidosis


What do you think of this article?
Thanks for your rating!