Ano ang Anti-infectives? | RiteMED

Ano ang Anti-infectives?

July 21, 2021

Ano ang Anti-infectives?

Ang mga infectious diseases ang isa sa mga pinakamalaking banta sa pandaigdigang pampublikong kalusugan. Bata man o matanda, maaaring maapektuhan ng mga sakit na ito. Kaya naman mahalagang mabigyan ng maagap at wastong lunas ang iba’t ibang uri ng infection.  Isa sa mga infection treatment na maaaring ibigay ng doktor ay ang anti-infectives, isang malaking kategorya ng gamot na pumipigil sa pagdami at pagkalat ng mga infectious organisms or sa pagpatay sa mga organismong ito. 

 

Upang lubos na maintindihan ang role ng anti-infectives, mahalagang kilalanin ang ibat-ibang sanhi ng infection. Ang uri ng infectious disease ay depende sa klase ng pathogens na naging sanhi ng infection. Ang mga common pathogens na maaaring magdulot ng impeksyon ay viruses, bacteria, parasites at fungi. 

 

Ang mga sumusunod ay mga common anti-infectives na maaaring ipainom sa iyo kung ikaw ay may infection:

 

Antibiotics

 

Ang mga sakit na dulot ng bacteria o bacterial infections ay maaaring magdulot ng mild symptoms lamang tulad ng skin infections. Ngunit pwede rin itong humantong sa mas malalang sakit tulad ng gastrointestinal infections at mga nakamamatay na impeksyon tulad ng pneumonia. Ang iba pang common bacterial infections ay ear infection, sinus infection, strep throat, bladder infection at kidney infection.

 

Antibiotics ang gamot para sa mga impeksyong dulot ng bacteria.  Pinapatay ng antibiotics ang mga bacteria na nakapasok sa katawan. Maaari rin nitong pigilan ang pag dami ng bacteria na sanhi ng infection.  Ilan sa mga kilalang antibiotics ang amoxicillin, cephalexin at ciprofloxacin.

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/fungus-foot-close-isolated-on-white-789525808

 

 

Antifungals

 

Ang impeksyon na dulot ng fungi o fungal infections ay isa sa mga health problems ng karamihan.  Ilan sa mga common fungal infections ay athlete's foot, oral thrush, vaginal yeast infection, ringworm at fungal eye infections.

 

Ang gamot para sa fungal infections ay antifungal medicines. Pinapatay nito o pinipigilan ang pagdami ng mga fungi. Ilan sa mga kilalang antifungals ay Ketoconazole, Clotrimazole at Azole antifungals.

 

Antivirals

 

Ang mga impeksyong dulot ng virus o viral infections ay maaaring gamutin ng antiviral medicines. Ang antivirals ang humaharang para hindi mapasok ng virus ang healthy cells. Maaari rin nitong bawasan ang mga virus na nakapasok na sa katawan.   

 

Ilan sa mga infection na kayang gamutin ng antivirals ay Flu, Ebola, Genital Herpes, Hepatitis B, Hepatitis C at Human Immunodeficiency Virus. 

 

Bukod sa mga kilalang gamot na ito, mayroon pang ibang uri ng anti-infectives tulad ng anthelmintics, antimalarials, antiprotozoals at antituberculosis agents.

 

Kung ikaw ay may anumang sintomas ng infection tulad ng lagnat, kumunsulta agad sa doktor para malaman ang sanhi ng iyong impeksyon. Para maiwasan ang komplikasyon, importanteng mabigyan ka ng tamang klase ng anti-infectives.

 

 

Sources:

https://adph.org/ems/assets/StudentManual_AntiInfectives.pdf

https://www.drugs.com/drug-class/anti-infectives.html

https://www.pfizer.com/science/therapeutic-areas/anti-infectives/about-anti-infectives

https://www.drugs.com/article/antibiotics.html

https://my.clevelandclinic.org/health/drugs/21531-antivirals



What do you think of this article?