8 Mahahalagang Medical Test para sa Mga Babae na nasa Kanilang 30s | RiteMED

8 Mahahalagang Medical Test para sa Mga Babae na nasa Kanilang 30s

March 12, 2020

8 Mahahalagang Medical Test para sa Mga Babae na nasa Kanilang 30s

Ang mga babae na nasa kanilang 30s ay nasa pinakakritikal na taon ng kanilang medikal na kalusugan. Sa ganitong edad, magkakaroon ka ng mas mabagal na metabolismo, mas mataas na risk ng cancer at iba pang mga sakit na konektado sa general reproductive health, ayon sa Philippine Medical Test System. Salamat sa medisina, ang mga babae ay may access na sa mga eksaminasyon para sa iba-ibang life stages.

Narito ang walong uri ng eksaminasyong medikal na dapat makuha ng mga kababaihang nasa kanilang 30s.

 

Thyroid Test

Kung ikaw ay nakakaranas ng biglaang pagbabago sa mood, pagtulog, cholesterol level, o di-maipaliwanag na pagtaas ng timbang, maaaring may problema sa iyong thyroid. Ang simpleng blood test ay makakatulong upang malaman kung ang iyong thyroid ay overactive o underactive.

 

Pelvic Exam

Mahalagang malaman ang kahalagahan ng pap smear at ang pelvic exam ay isang kaparehong procedure. Samantalang ang pap smear ay kailangan mo sa ganitong edad, ang pelvic exam ay makakapagbigay ng kumpletong pagsusuri sa iyong pangkabuuang gynecological health. Isa rin ito sa pinakamainam na paraan upang malaman ang risk sa mga medikal na kondisyon gaya ng ovarian cysts.

 

Clinical Breast Exam

Ang self-breast exam ay isa sa mga pinakamagandang paraan upang malaman kung mayroong bukol sa iyong dibdib, ngunit sa ganitong edad, mahalaga ang kumpletong pagsusuri ng doktor. Ang estrogen level ay mas mataas sa mga babaeng hindi pa nanganganak kaya mas mataas ang tyansa nila na magkaroon ng breast cancer. Tanungin ang iyong doktor kung gaano kadalas dapat sumailalim sa mammogram.

 

Skin Cancer Test

Bukod sa cervical at breast cancer, ang mga babae ay prone din sa pagkakaroon ng skin cancer. Ang mga tanning bed at ang labis na pagbibilad sa araw sa araw-araw ay ang mga pangunahing sanhi ng melanoma. Karaniwang senyales ng melanoma ay ang pagbabago sa isang dating nunal o ang kakaibang kulay na lumilitaw sa balat. Kung ikaw ay may mga sintomas ng melanoma, kailangang magsagawa ang iyong doktor ng biopsy test sa iyong skin sample upang makapagbigay ng wastong diagnosis.

 

Iron Level

Ang iron ay isang napakahalagang mineral na tumutulong sa pag-produce ng malulusog na red blood cells. Ang iron-deficiency anemia ay mas karaniwan sa mga buntis na babae at nanganganay na ina. Ang pagkain ng mga pagkaing mayaman sa iron gaya ng red meat, seafood, at mabeberdeng dahon ay inererekomonda para sa mga taong may iron deficiency anemia. Kung ikaw ay nakakaranas ng kakapusan ng hininga at hindi maipaliwanag na pagod, ang isang blood test ay makakatulong upang malaman ang iyong iron level. Kumonsulta sa doktor bago uminom ng anumang dietary supplements.

 

STD/HIV Test

Walang dapat ikahiya sa pagiging poistibo sa sexually transmitted disease, kaya humingi ng tulong sa pinakamalapit na klinika kung sakaling may napapansin kang kakaiba sa maselang bahagi ng iyong katawan.

 

Diabetes Screening

Ugaliing sumailalim sa diabetes screening upang masubaybayan ang iyong cholesterol at blood sugar level. Ang iyong katawan ay tumatanda na kaya maaaring bumabagal na rin ang iyong metabolismo. Mag-ehersisyo nang regular at itigil ang mga bisyo.

 

Eye Exam

Ang paggamit ng laptop at mga gadget ay may masamang epekto sa iyong paningin. Mahalagang magkaroon ng tiyak na diagnosis mula sa isang ophthalmologist bago bumili ng salamin. Huwag pumunta sa doktor nang pagod ang iyong mga mata dahil sa kakulangan sa tulog, pagod sa trabaho, o kung may jetlag sapagkat maaaring makakapekto ito sa diagnosis. Narito ang mga dapat mong malaman tungkol sa kakulangan ng wastong pangangalaga sa mata.

undefined

Ito man ay CBC test o diabetes screening, lumapit lamang sa rehistradong klinika o ospital upang makasiguro sa resulta ng eksaminasyon.

 

Sources:

https://www.health.com/condition/hepatitis-c/medical-tests-women

https://medlineplus.gov/ency/article/007462.htm

https://www.womenshealthmag.com/health/a19913005/medical-tests-30s/

https://www.healthline.com/health/womens-health-tests


What do you think of this article?