5-Minute Exercises Para Simulan ang iyong Araw | RiteMED

5-Minute Exercises Para Simulan ang iyong Araw

July 21, 2021

5-Minute Exercises Para Simulan ang iyong Araw

Maraming pag-aaral ang nagpapakita na kung mag-eexercise ang isang tao sa umaga, magiging mas mabuti raw ang kaniyang mood sa buong araw. “You will have more energy and you will certainly be a better colleague, friend or partner,” ani ng isang psychologist mula sa Duke University.

 

Dahil dito, inipon namin ang top 5-minute morning exercises na mayroon sa internet upang matulungan ka sa pagsisimula ng iyong araw.

 

Best Aerobics at Physical Fitness Activities tuwing Umaga

 

  1. Chest Stretch

How to do it: Ipwesto ang iyong balikat sa iyong likod at ang iyong mga kamay sa iyong balakang. Itulak ang iyong chest ng pataas at palabas. Huminga ng malalim ng tatlo hanggang apat na beses hanggang sa maramdaman mo ang pag-lengthen ng iyong chest muscles.

 

  1. Forward Bend

How to do it: Tumayo ng tuwid. Mag-inhale at hayaang mag-loose ang iyong mga bisig. Habang nag-eexhale, mag-bend forward at abutin mo ang iyong mga paa. Gawin ito habang pinapanatiling tuwid ang iyong mga binti at likod.

 

  1. Hamstring Stretch

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/woman-stretching-legs-exercise-training-fitness-190174415

 

How to do it: Hawakan ang isang paa at hilahin ito papunta sa iyong harapan, pagkatapos ay i-straighten ito ng hanggang kaya mo. Habang ginagawa ito, siguraduhin na ang isa mong paa ay nakalapat sa sahig o naka-bend sa higaan. Huminga ng malalim ng tatlo hanggang apat na beses, hanggang sa maramdaman mo ang pag-lengthen ng iyong hamstrings. Ulitin ang exercise sayong kabilang paa.

 

  1. Knee Rolls

How to do it: Dahan-dahang tupiin ang iyong mga tuhod ng magkadikit sa isang gilid, at siguraduhin na nakalapat ang iyong mga balikat sa higaan habang ginagawa ito. Huminga ng malalim ng tatlo hanggang apat na beses, hanggang sa maramdaman mo na nase-stretch ang iyong likod. Repeat on the opposite side.

 

  1. On-the-spot Power Walking

How to do it: Itaas ang isang tuhod hanggang sa ang iyong calf at hita ay mag-form ng isang right angle. Ibaba ang binti na itinaas at ulitin sa kabilang binti. Maglakad on the spot ng humigit-kumulang 30 segundo.

 

  1. Overhead Stretch

How to do it: I-extend ang iyong siko sa taas ng iyong ulo, feeling your body stretch from your toes to your fingertips. Huminga ng malalim ng tatlo hanggang apat na beses.

 

  1. Seated Hamstring Stretch

How to do it: Umupo na tuwid ang likod at naka-extend ang isang binti. I-bend ang isang binti at abutin ang bukong-bukong ng iyong naka-extend na binti hanggang sa maramdaman mo ang pag-stretch ng iyong hamstrings. I-hold ng 30 hanggang 60 segundo. Ulitin ng dalawa hanggang tatlong beses.

 

Kahit busy sa trabaho at hectic ang iyong schedule, maaari ka pa ding mag-workout at stretching sa umaga. Malaki ang maitutulong ng morning exercise sa iyong overall health at work performance, kaya magandang bigyan mo ito ng oras bago ka magtrabaho. Ika nga nila, don’t let mornings put you in a bad mood! Simulan ang iyong araw ng masaya at masigla sa pamamagitan ng mga exercises na ito. Maaari ka na ding uminom ng vitamins tulad ng Ritemed Ascorbic Acid after doing these simple workouts and taking your breakfast. Ang paggawa nito tuwing umaga ay hindi lamang magbu-burn ng iyong calories kundi magbu-boost din ng iyong mood at gagawin kang mas alerto.

 

Sources:

https://www.nhs.uk/live-well/exercise/5-minute-wake-up-workout

https://www.lifehack.org/articles/lifestyle/10-simple-morning-exercises-that-will-make-you-feel-great-all-day.html



What do you think of this article?