Mga Paraan Para Gawing Allergy-Friendly Ang Bahay | RiteMED

Mga Paraan Para Gawing Allergy-Friendly Ang Bahay

July 30, 2018

Mga Paraan Para Gawing Allergy-Friendly Ang Bahay

Ang allergic rhinitis ay isang karamdaman na dulot ng pagka-expose ng isang tao sa mga triggers na kung tawagin ay allergens. Ang allergic rhinitis o hay fever ay isang karamdamang nakaka-apekto sa ilong, dulot ng pagka-expose sa mga triggers o allergens. Bagaman walang gamot para sa allergic rhinitis, mayroong gamot para makontrol ito. Upang maka-iwas dito, importanteng malaman ang mga sintomas ng allergic rhinitis, common allergens na maaaring magdulot nito at paano ito maiiwasan.

 

Sintomas ng Allergic Rhinitis

 

  • Itchy nose o pangangati ng ilong
  • Runny nose o sipon
  • Sneezing o pagbahin
  • Nasal congestion o pagbara ng ilong
  • Sore throat mula sa sipon

 

Maliban sa mga sintomas na ito, inirereklamo din ng ilang tao ang mga sumusunod:

 

  • Pagkahilo
  • Irritability o pagiging iritable
  • Low energy level o panghihina
  • Drowsiness o pagka-antok
  • Hirap sa pag-concentrate

 

Ang mga nabanggit na sintomas ng allergic rhinitis ay lubhang nakaka-apekto sa pang araw-araw na gawain ng isang tao, kung kaya’t kinakailangang sinisigurado na ang bahay ay allergy-friendly para maiwasan ito.

 

 

Iba’t Ibang Klase ng Allergens

 

undefined

Source:https://www.freepik.com/free-photo/wall-texture-with-scratches-and-rust_1014338.htm#term=mold&page=1&position=0

 

  1. Mold o amag

 

Ano ito: Ang mold o amag ay namumuo sa mamasa-masa, madilim at mainit na mga lugar sa bahay. Dahil dito, normal na mamuo ang mold o amag sa banyo, bodega at mga cabinet.

 

Paano ito iwasan: Para maiwasan ang mold o amag, kinakailangan na madalas linisin ang banyo, bodega at mga cabinet. Maliban dito, maaari din gumamit ng humidifier para mapanatiling tuyo ang mga parteng ito.

 

 

  1. Dust o alikabok

 

Ano ito: Ang dust o alikabok ay malilit na butil na kagaya ng mold o amag na namumuo sa mga mamasa-masa at mainit na lugar. Madalas nagkakaroon ng dust o alikabok ang bed, sofa, stuffed toys at carpet na nagiging sanhi ng dust allergy.

 

Paano ito iwasan: Para maiwasan ang dust o alikabok, kinakailangan na madalas linisin ang bahay at maaari din gumamit ng vacuum para masiguro na nababawasan ang dust o alikabok. Maliban dito, ugaliin ang paglaba ng mga pantakip ng sofa, pillows, bed at iba pang tela na maaaring kapitan ng alikabok.

 

  1. Pollen

 

Ano ito: Ang pollen ay mga maliit na butil na nanggagaling sa mga halaman at puno.

 

Paano ito iwasan: Dahil ang pollen ay nanggagaling sa mga halaman at puno, mahirap itong iwasan. Kung mayroong puno o halaman na malapit sa bintana, siguraduhin na nakasira ito para hindi ito pumasok at kumalat sa loob ng bahay. Maliban dito, ugaliing maligo sa gabi, lalo na kung gumagamit ng gel o iba pang hair products dahil maaaring dumikit dito ang pollen.

 

  1. Fur o balahibo

 

Ano ito: Ang fur o balahibo ay nakukuha sa mga pets kagaya ng aso at pusa.

 

Paano ito iwasan: Para maiwasan ang fur o balahibo, siguraduhin na ang pets ay hypoallergenic. Kung hindi ito hypoallergenic, ugaliin ang paglinis ng bahay para maiwasan ang pagkalat ng fur o balahibo ng pets.

 

  1. Cockroach o ipis

 

Ano ito: Ang cockroach o ipis ay isa sa mga pinaka-common na peste na nasa loob ng bahay. Ang cockroach o ipis ay kadalasan namamahay sa mga madilim na sulok at naaakit ng mga maduming lugar.

 

Paano ito iwasan: Para maiwasan ang pamamahay at pagdami ng cockroach o ipis, siguraduhin na malinis ang bahay at gumamit ng natural o organic na pesticide para hindi namamahay o dumami ang mga ito.

 

Dahil ang mga allergens ay common, importante na mayroong baon na gamot sa bahay. Para maiwasan naman ang pag-trigger nito, importante na laging sinisigurado na malinis ang tahanan, upang makamit ang ginhawa mula sa allergic rhinitis.

 

Sources:

 

https://mydoctorfinder.com/healthy-blogs/5-most-common-allergens-in-the-philippines

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3345326/

https://www.webmd.com/allergies/features/indoor-allergies#1

http://www.health.com/health/article/0,,20412194,00.html



What do you think of this article?